Ngayong ang kandila ng aking buhay ay lumuha na ng husto, kaakibat nito ang isang pagbabago na pilit gumawa ng malaking distansya ng pagkakaiba sa buhay ko noon. Ako’y pilit kumawala sa kadilimang bumabalot sa aking sarili at dahil sa kagustuhan ko, natagpuan ko ang ganap na kaliwanagan. Nalaman ko kung ano ang pinagkaiba ng katotohanan sa nagbabalatkayong kasinungalingan. Natuto akong bumangon sa bawat pagkadapang aking tinamo. Alam ko na kung ano ang ibig sabihin nito…tumanda na nga ako.
Pagkatapos ng mahabang panahon ng pagsusumikap, nahanap ko na rin ang kasiyahang aking matagal nang inaasam. Noong una nga, ligaw na ligaw ako. Hindi ko alam ang dapat kong gawin para mahanap ito. Ngunit naging mabuti ang tadhana. Nakilala ko siya.
Bumuo kami ng isang pamilya. Pinagkalooban rin kami ng tatlong anak. Namuhay kami bilang isang simpleng pamilya. Wala kaming kahit anumang maipagmamalaki maliban na lamang sa pagmamahalang inuukol namin sa isa’t isa. Ngunit lahat ng bagay sa mundong ito ay hindi permanente.
Nagsimulang magbago ang lahat sa isang mahalagang dsesisyong aking binitawan. Ginawa ko kung ano ang sa tingin ko ay tama. At dahil dito, narating ko ang tugatog ng tagumpay. Ngayon…sino ang makakapaniwala na ang iyaking bata noon ay isa nang matagumpay na alkalde ngayon?
Oo. Tama ang nabasa mo. Ito na ang buhay ko ngayon. Ako ang kasalukuyang alkalde sa bayan ng Kawit. Araw-araw kong kinakalaban ang kasamaan nang sa gayon ay maghari ang kabutihan. Ako ang nagsisilbing sandigan ng mga natatakot, karamay ng mga inaapi, takbuhan ng nangangailangan, at tapat na kaibigan ng lahat ng mamamayan.
Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan ako ngayon sa isang mataas na kawani para sa pagpapatayo ng kauna-unahang “Disney Land” sa Pilipinas na itatayo sa makasaysayang bayan ng Kawit. Nagpatayo rin ako ng isang sistema ng irigasyon na pinangalanang “Kawit Dam”. Ito ay nagbibigay ng tubig di lamang sa bayan ng Kawit kundi pati na rin sa mga karatig lugar nito. Maipagmamalaki ko rin ang kabubukas pa lamang na “Teatro sa Kawit” na pinagtatanghalan ng mga prestihiyosong artista. Isa rin ang “Kawit Zoo” na kamakailan lang ay hinirang na pinakamalaking zoo sa Asya. Nakapagbigay rin ako ng libo-libong tahanan para sa mga kapwa ko Kawitenyo. Ginawa ko ring museo ang dating kulungan sa Kawit dahil hindi na ito kailangang gamitin sapagkat wala nang mga kaguluhang nagaganap. Bukod dito, dalawang beses din akong tinanghal na “Alkalde ng Taon” dahil sa mga pagbabagong aking ginawa.
Ako si Rob Nuguid, isang ordinaryong tao na gumagawa ng kanyang obligasyon bilang isang mamamayan ng lugar na ito. Ako si Dadi Rob, isang amang nagsusumikap na maging mabuting ehemplo sa kanyang mga anak. Ako si Pareng Rob, isang tunay na kaibigan na handang umintindi sa oras na wala nang gustong makinig sa iyo. Ako si Mayor Rob, isang alkalde na handang ibuwis ang kanyang sariling buhay alang-alang sa kabutihan ng kanyang nasasakupan. Ako si Rob Nuguid na makalipas ang labinlimang taon ay nanatiling mapagkumbaba. Ako pa rin si Rob Nuguid na iyong nakilala makaraan ang maraming taon.
Ano nga kaya ang susunod na kabanata sa aking buhay? Hindi ko alam. Ngunit handa ko iyong harapin ng buong tapang at kalakasan dahil alam kong kasama ko Siya.
Sa mga salita kong ito nagtapos ang Ikalabinlimang Anibersaryo ng Batch 2007-2008 ng SMMS.
`.SALAMAT SA PAGBIGAY NG HALIMBAWA
`.DAHIL D2 AKO’Y NAKAKUHA NG PAG-ASANG PUMASA SA AMING JUMP.TEST
`.PROUD AKO SA IYONG TAGUMPAY
`.PAGKAT NAHAKBANGAN MU LAHAT ANG IYONG NILAKBAY..
`.AT NGAYON ISA KANANG ALKALDE
`.HANGAD KO DIN SUGPUIN ANG KRIMENALIDAD
`.NGUNIT ANDYAN KANA
`.CGE PO
`.SALAMAT ULIT . .
Posted by Romnick S. Minoza at July 13, 2009, 7:15 pmNice post Amazing, I found your site on Bing looking around for something completely unrelated and I really enjoyed your site. I will stop by again to read some more posts.
Posted by abercrombie and fitch uk at June 9, 2011, 9:33 pmwala po bang author nito???
Posted by Paolo at August 24, 2011, 9:18 amang ganda nmn ni2 d2 ako makaka kuha nang idia na gagamitin ko! sa aking xsam tnx po! ^_^
Posted by wilson at September 5, 2011, 5:32 pmkuya pwede po ba ako mag ask paano po ba gumawa ng composition writing na may intro,body chaka ung ending kc wala kc ako idea kung ano ang ibabahagi ko sa intro until sa end pa help naman po kc lapit na ung ALS final examination namin then ung mind ko medyo ruined pa kc about sa composition pa help naman po malaking tulong po un sa akin kung matutulungan mo ako….
jason emmanuel caba nga po pala ako ALS learner sa cebu then gus2 kung maka pasa sa exam para naman ma iilawan na ung matagal ko ng ina asam asam na maka tapos ng pag aaral…..
proud ako good luck
Posted by car at November 24, 2011, 4:45 amwow it is good i learn how to write an essay thank you good luck,,god bless when i read this i learn many words to use my teacher will be happy and I AM PROUD TO YOU
Posted by car at November 24, 2011, 4:49 am
nice. üü
Posted by ANONYMOUS. üü at September 25, 2008, 6:06 pm