Tama ba ang pagiging mabait palagi? Kabutihan nga ba ang palagiang paggawa ng tama? Alamin natin ang kasagutan.
Malamang kung si Simoun ka, kanina mo pa sinagot ang “Hindi”. Ito ay mapapatunayan sa balak niyang paghihiganti na ipinagtapat niya kay Basilio sa gubat ng mga Ibarra.
Malaki ang ginagampanang papel ni Simoun sa nobelang “El Filibusterismo”. Siya ay isang taong araw-araw nakakahawak ng mga bagay-bagay na ang halaga ay kaya nang tumbasan ang buhay ng isang tao. Isa siyang taong minsan nang kinalaro ng tadhana at ngayon ay handa nang gumanti gamit ang kanyang buong tapang.
Hindi maitatago ng kanyang malalaking salamin ang kalungkutan ng kanyang mga mata. Taglay niya ang isang mahabang buhok na kinulayan ng puti ng mga nagdaang panahon. Kabalintunaan nito ang kanyang balbas na may pagkaitim naman. Mayroon siyang kayumangging-kayumangging kulay.Nagsusuot siya ng isang malaki at mahabang sumbrero.Halata ang pagkamestiso niya. Ngunit ang toto niyan ay siya’y walang iba kundi si Crisostomo Ibarra, isang taong matagal nang ipinagpalagay na patay. Ngayo’y nagbabalatkayo siya para sa kanyang balak na himagsikan.
Magandaang pwesto niya sa lipunan. Anino lang naman siya ng Kanyang Kamahalan. Lubos siyang iginagalang ng mga mamamayan. Babahag ang buntot ng sinumang makakabangga niya.
Ipinagtapat niya nga kay Basilio ang kanyang balak at hinimok ang binata na makiisa sa kanya ngunit tumanggi si Basilio. Nag-usap pa sila ng matagal. Bumalik rin sa ala-ala ni Simoun ang labintatlong taong nakalipas.
Napakalayo ng buhay niya noon sa ngayon. Dati ay isa lamang siyang binata na puno ng pag-asa…na lahat ay naglaho sa isang iglap. Nakatamo siya ng maraming kasawian na nag-udyok sa kanyang maghiganti. Malakas ang loob niyang lumaban at magpatuloy dahil ang tagumpay niya ay di lang para sa kanya kundi para na rin sa mga taong malalapit sa kanya na naging biktima rin ng baluktot na hustisya at pamamaraan. Si Don Rafael na namatay sa billangguan dahil sa pagbabayad sa kasalanang di naman niya ginawa. Ang sawimpalad na si Maria Clara na mas pinili na lang magmongha kaysa makasal sa hindi niya tunay na iniibig. Si Elias na kahit hindi niya kaanu-ano ay hindi nagdalawang isip na ialay ang sariling buhay para sa kaligtasan ng kanyang kaibigan.
Ngayon, masasabi bang kasamaan ang paglaban sa mga taong gumawa sa’yo ng kasamaan? Wala ba sa lugar ang pagtutuwid sa baluktot na pamamaraan ng simbahan at ng pamahalaan? Kasalanan bang gawin ang nararapat? Dapat bang ipagpasa-Diyos na lang ang bagay na ito at magpaumanhin na lamang? Hindi! Kalabisan na ito…ang pagbalewala sa mga bagay na ito ay isang simbolo ng di paggalang sa sarili mong katauhan. Ika nga “Ang pagpapaumanhin ay di laging kabaitan. Ito’y kasamaan kung mauuwi sa pang-aapi.”
oI!!!!!!!!!!!! nce????????????
Posted by eramae at November 17, 2009, 8:40 pm
hehe
Posted by jonnalyn at July 30, 2009, 5:49 pm