“Lahat ng sobra ay nakasasama.”
Hindi kailanman maituturing kasamaan ang bahagyang pagpunan ng kaalaman at impormasyon sa pagkauhaw ng isipan ng isang ordinaryong tao. Sa katunayan nga, ito’y mas lalo pang nagbibigay ng kulay at ningning sa isang payak na pamumuhay. Ngunit, katulad ng iba pang mga bagay, ito’y hindi laging makabubuti. Mayroon ding mga pagkakataon na ito’y maaaring magdulot at pagmulan ng kasamaan at kasawian. NAALALA ko ang masalimuot na istorya ng ating ninuno, sina Adan at Eba. Ang kwentong ito ay permanenteng nakatatak sa aking mumunting isipan at marahil, alam ring ganap nang sinumang nakahawak na nang Biblia.Ito ay kwento tungkol sa dalawang unang nilalang na nilikha ng Diyos. Sumuway sila sa utos mng Panginoon at dahil na nga rin sa pagkain nila ng ipinagbabawal na prutas ay nakamit nila ang karunungan na nakapagpahamak sa kanila.
Mayroon din akong alam na isang magandang buhay na sadyang napariwara dahil sa sobrang karunungan. Sa mga mata ng nakararami, tunay ngang nagtagumpay na sa kanyang buhay si Cris (hindi niya tunay na pangalan) matapos siyang abutan ng diploma sa Unibersidad ng Pilipinas (U.P.). Isa na nga siyang inhinyero ng mga kemikal (Chemical Engineer). Ngunit nang dahil sa sobrang kaalaman, dinala siya ng kanyang mga paa sa kapahamakan. Nakagawa siya ng ipinagbabawal na gamot at siya’y nabilanggo.
Ang kaalaman ng isang tao ay maaaring ihalintulad sa isang simpleng pugad ng ibon na nakabase sa pinakataas ng isang matayog at matipunong puno. Ang gutom na inakay ay pinapakain ng kanyang inang lawin nang sa gayon ay lumaking may tikas at naaayon sa kanya. Sa pagdaan ng mga araw, hindi maaaring magkulang ni sumobra siya ng pakain dahil may posibilidad na malagay sa peligro ang buhay ng batang ibon. Maaari siyang mamatay sa gutom o maimpatso sa sobrang pagkain.
Tayo ang sumisimbulo sa inakay na patuloyna nagugutom at nauuhaw sa kaalaman at karunungan. Katulad nila, hindi rin makabubuti sa atin ang malunod sa pagkain, ang sumisimbulo sa kaalaman, dahil ito’y makapagdudulot sa atin ng kasamaan at maaaring magdala sa atin sa kapahamakan.
Nagiging masama ang kaalaman kung ito’y gagamitin sa kasamaan, kung ito’y hindi pagyayamanin, o kung ito’y iyo lamang babalewalain. Binigyan ka ng Diyos ng kaalamang naiiba sa kahit sinuman. Ang tangi mong obligasyon ay gamitin ito sa kabutihan.
Sa paglipas ng panahon, ang kaalaman ay magsisilbi nang kabutihan at hindi na kasamaan.
Tama ba ang pagiging mabait palagi? Kabutihan nga ba ang palagiang paggawa ng tama? Alamin natin ang kasagutan.
Malamang kung si Simoun ka, kanina mo pa sinagot ang “Hindi”. Ito ay mapapatunayan sa balak niyang paghihiganti na ipinagtapat niya kay Basilio sa gubat ng mga Ibarra.
Malaki ang ginagampanang papel ni Simoun sa nobelang “El Filibusterismo”. Siya ay isang taong araw-araw nakakahawak ng mga bagay-bagay na ang halaga ay kaya nang tumbasan ang buhay ng isang tao. Isa siyang taong minsan nang kinalaro ng tadhana at ngayon ay handa nang gumanti gamit ang kanyang buong tapang.
Hindi maitatago ng kanyang malalaking salamin ang kalungkutan ng kanyang mga mata. Taglay niya ang isang mahabang buhok na kinulayan ng puti ng mga nagdaang panahon. Kabalintunaan nito ang kanyang balbas na may pagkaitim naman. Mayroon siyang kayumangging-kayumangging kulay.Nagsusuot siya ng isang malaki at mahabang sumbrero.Halata ang pagkamestiso niya. Ngunit ang toto niyan ay siya’y walang iba kundi si Crisostomo Ibarra, isang taong matagal nang ipinagpalagay na patay. Ngayo’y nagbabalatkayo siya para sa kanyang balak na himagsikan.
Magandaang pwesto niya sa lipunan. Anino lang naman siya ng Kanyang Kamahalan. Lubos siyang iginagalang ng mga mamamayan. Babahag ang buntot ng sinumang makakabangga niya.
Ipinagtapat niya nga kay Basilio ang kanyang balak at hinimok ang binata na makiisa sa kanya ngunit tumanggi si Basilio. Nag-usap pa sila ng matagal. Bumalik rin sa ala-ala ni Simoun ang labintatlong taong nakalipas.
Napakalayo ng buhay niya noon sa ngayon. Dati ay isa lamang siyang binata na puno ng pag-asa…na lahat ay naglaho sa isang iglap. Nakatamo siya ng maraming kasawian na nag-udyok sa kanyang maghiganti. Malakas ang loob niyang lumaban at magpatuloy dahil ang tagumpay niya ay di lang para sa kanya kundi para na rin sa mga taong malalapit sa kanya na naging biktima rin ng baluktot na hustisya at pamamaraan. Si Don Rafael na namatay sa billangguan dahil sa pagbabayad sa kasalanang di naman niya ginawa. Ang sawimpalad na si Maria Clara na mas pinili na lang magmongha kaysa makasal sa hindi niya tunay na iniibig. Si Elias na kahit hindi niya kaanu-ano ay hindi nagdalawang isip na ialay ang sariling buhay para sa kaligtasan ng kanyang kaibigan.
Ngayon, masasabi bang kasamaan ang paglaban sa mga taong gumawa sa’yo ng kasamaan? Wala ba sa lugar ang pagtutuwid sa baluktot na pamamaraan ng simbahan at ng pamahalaan? Kasalanan bang gawin ang nararapat? Dapat bang ipagpasa-Diyos na lang ang bagay na ito at magpaumanhin na lamang? Hindi! Kalabisan na ito…ang pagbalewala sa mga bagay na ito ay isang simbolo ng di paggalang sa sarili mong katauhan. Ika nga “Ang pagpapaumanhin ay di laging kabaitan. Ito’y kasamaan kung mauuwi sa pang-aapi.”
Ngayong ang kandila ng aking buhay ay lumuha na ng husto, kaakibat nito ang isang pagbabago na pilit gumawa ng malaking distansya ng pagkakaiba sa buhay ko noon. Ako’y pilit kumawala sa kadilimang bumabalot sa aking sarili at dahil sa kagustuhan ko, natagpuan ko ang ganap na kaliwanagan. Nalaman ko kung ano ang pinagkaiba ng katotohanan sa nagbabalatkayong kasinungalingan. Natuto akong bumangon sa bawat pagkadapang aking tinamo. Alam ko na kung ano ang ibig sabihin nito…tumanda na nga ako.
Pagkatapos ng mahabang panahon ng pagsusumikap, nahanap ko na rin ang kasiyahang aking matagal nang inaasam. Noong una nga, ligaw na ligaw ako. Hindi ko alam ang dapat kong gawin para mahanap ito. Ngunit naging mabuti ang tadhana. Nakilala ko siya.
Bumuo kami ng isang pamilya. Pinagkalooban rin kami ng tatlong anak. Namuhay kami bilang isang simpleng pamilya. Wala kaming kahit anumang maipagmamalaki maliban na lamang sa pagmamahalang inuukol namin sa isa’t isa. Ngunit lahat ng bagay sa mundong ito ay hindi permanente.
Nagsimulang magbago ang lahat sa isang mahalagang dsesisyong aking binitawan. Ginawa ko kung ano ang sa tingin ko ay tama. At dahil dito, narating ko ang tugatog ng tagumpay. Ngayon…sino ang makakapaniwala na ang iyaking bata noon ay isa nang matagumpay na alkalde ngayon?
Oo. Tama ang nabasa mo. Ito na ang buhay ko ngayon. Ako ang kasalukuyang alkalde sa bayan ng Kawit. Araw-araw kong kinakalaban ang kasamaan nang sa gayon ay maghari ang kabutihan. Ako ang nagsisilbing sandigan ng mga natatakot, karamay ng mga inaapi, takbuhan ng nangangailangan, at tapat na kaibigan ng lahat ng mamamayan.
Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan ako ngayon sa isang mataas na kawani para sa pagpapatayo ng kauna-unahang “Disney Land” sa Pilipinas na itatayo sa makasaysayang bayan ng Kawit. Nagpatayo rin ako ng isang sistema ng irigasyon na pinangalanang “Kawit Dam”. Ito ay nagbibigay ng tubig di lamang sa bayan ng Kawit kundi pati na rin sa mga karatig lugar nito. Maipagmamalaki ko rin ang kabubukas pa lamang na “Teatro sa Kawit” na pinagtatanghalan ng mga prestihiyosong artista. Isa rin ang “Kawit Zoo” na kamakailan lang ay hinirang na pinakamalaking zoo sa Asya. Nakapagbigay rin ako ng libo-libong tahanan para sa mga kapwa ko Kawitenyo. Ginawa ko ring museo ang dating kulungan sa Kawit dahil hindi na ito kailangang gamitin sapagkat wala nang mga kaguluhang nagaganap. Bukod dito, dalawang beses din akong tinanghal na “Alkalde ng Taon” dahil sa mga pagbabagong aking ginawa.
Ako si Rob Nuguid, isang ordinaryong tao na gumagawa ng kanyang obligasyon bilang isang mamamayan ng lugar na ito. Ako si Dadi Rob, isang amang nagsusumikap na maging mabuting ehemplo sa kanyang mga anak. Ako si Pareng Rob, isang tunay na kaibigan na handang umintindi sa oras na wala nang gustong makinig sa iyo. Ako si Mayor Rob, isang alkalde na handang ibuwis ang kanyang sariling buhay alang-alang sa kabutihan ng kanyang nasasakupan. Ako si Rob Nuguid na makalipas ang labinlimang taon ay nanatiling mapagkumbaba. Ako pa rin si Rob Nuguid na iyong nakilala makaraan ang maraming taon.
Ano nga kaya ang susunod na kabanata sa aking buhay? Hindi ko alam. Ngunit handa ko iyong harapin ng buong tapang at kalakasan dahil alam kong kasama ko Siya.
Sa mga salita kong ito nagtapos ang Ikalabinlimang Anibersaryo ng Batch 2007-2008 ng SMMS.
Kailan magwawakas ang kahirapan na ating dinaranas? Ito’y may iba’t-ibang kasagutan.
Unahin natin ang trabaho. Kahit itanggi man natin o hindi, kulang na kulang ang oportunidad sa ating bansa. Napakahirap maghanap ng trabaho kahit may natapos ka. Ang ilan nga sa mga gradweyt ng kolehiyo ay napipilitang maging “factory workers” matawid lang sa gutom ang sarili. Karamihan rin sa mga may-ari ng mga kompanya ay mga dayuhan kaya di maiiwasan ang diskriminasyon sa ating lahi. Kapag hindi ka nakatapos ng pag-aaral, napakaliit ng tsansa mong makapasok sa trabaho. Kung papalarin ka namang makapasok sa isang korporasyon, isa pa sa mga magiging problema mo ay ang mababang pasahod. Minsan nga, mababa pa sa “minimum wage” na tinakda ng gobyerno ang ipinasusweldo. Kaawa-awa ang mga trabahador na hindi magawang magreklamo sa takot na mawalan ng trabaho. Ito ay ang nagbunsod sa mga Pilipinong propesyunal na magtrabaho sa ibang bansa. Ayon sa ulat, karamihan sa mga OFW ay mga gradweyt ng kolehiyo ngunit pinili na lamang maging katulong sa ibang bansa dahil sa laki ng sahod doon.
Dumako naman tayo sa populasyon. Noong mga nakalipas na mga taon at sa kasalukkuyan, ang Pilipinas ay isa sa mga may pinakamalaking populasyon sa buong mundo. Ito marahil ang nag-udyok na bigyang halaga ang pagpaplano sa pamilya. Maraming makabagong kagamitan ang naimbento para mapigilan ang pagtaas pa ng populasyon na mariin namang tinutulan ng simbahan. Ayon sa kanila, ang paggamit raw ng mga “contraceptives” ay paraan din ng pagpatay sa bata. Ngunit hindi ba’t mas mabuting gumamit ng makabagong teknolohiya kaysa naman mamatay ang munting supling sa sobrang kahirapan? Dahil nga sa patuloy na pagtaas ng populasyon, naging problema rin ng ating bansa ang pabahay. Ayon sa isang komersyal sa telebisyon, libo-libong pamilya na raw ang binigyan ng bahay ng pamahalaan. Napakakonti pa lang nito kung iisiping milyon– at hindi lang libo– ang dami ng pamilya sa bansa.
Talakayin na rin natin ang edukasyon. Sinasabing ito’y ang susi sa tagumpay. Ngunit sa taas ng matrikula, may pag-asa pa kayang marating ng mahirap nating kababayan ang sinasabing tagumpay? Isa pang suliranin ay ang kakulangan sa guro. Mayroong napa-ulat na isang guro umano ang di marunong awitin ang “Lupang Hinirang” na kinakailangang malaman ng isang Pilipino. Paano nila magagawang turuan ng maayos ang kabataan kung ang kanila ngang sarili ay di nila maturuan? Malaki ring suliranin ang kakulangan sa kagamitan lalung-lalo na sa mga pampublikong paaralan. Kulang sa mga silid-aralan ang mga ito. Kung minsan pa nga, nakatayo na ang karamihan sa mga estudyante dahil kulang ang silya. Problema rin ang mga libro na hindi lahat ng mag-aaral ay mayroon. Dagdag rin sa suliranin ang mababamg kalidad ng edukasyon sa bansa. Ito ay dahil sa KAHIRAPAN.
Ilan lamang ang mga ito sa kasalukuyang suliranin na ating hinaharap. Marami pang iba ang dapat bigyang pansin. Makababangon pa ba tayo sa kahirapan? Tanging Diyos lang ang nakakaalam.
In, On, At…
For two meetings in a row, our English Proficiency Instruction I class with Prof. Monje has been dealing with idioms and their proper usage. It’s just “funny” to know that I have been using the wrong idiom all along, whenever I’m writing essays, formal papers, researches, and blog posts. For this reason, I have reviewed my blog posts and tried to find out how many times I have been mistaken. The result - frequently.
This widespread “In, On, At” fever is very common not only among students but also among the top professionals. Very often, we may encounter mistakes in the usage of these components but most of the time, we are just too busy to notice and probably because the mistake is just minimal. Or maybe, we are also one of those persons who seems to be ignorant of these facts. And I must admit that I, myself, am no exception.
Learning the English Language is a step by step process. You cannot learn it perfectly in just one sitting. Know the fundamentals and continue with the complicated ones. The “In, On, At” fever is just one of the English Impediments we encounter. But we must not be afraid to commit mistakes. All along, no one’s perfect therefore all of us commit a lot of mistakes.
P.S. I’m currently woking on it. I’ll try to progress in English. At present, I will just continue practicing.